Dalawa patay sa one time big time operation sa Norrh Cotabato

37

Dalawa katao ang patay sa inilunsad na one time big time operation na isinagawa ng joint elements ng PDEA 12, Cot Police Public Safety Company 1st and 2nd company at Mlang municipal police station sa bayan ng Mlang North Cotabato kaninang madaling araw.
Kinilala ang dalawang napatay na sina Monaim Ducay at Dencio Bagundang kapwa residente ng Purok 4 ,barangay Dunguan sa bayan ng Mlang.
Ayon sa naging pahayag ni Police Supt Joffrey Todeno ng CPPSC nakatakdang arestuhin ang dalawa na nahaharap sa kaso na may kaugnayan sa illegal drugs, illegal posession of fire arms and ammunition subalit tinangka ng mga suspect na manghagis ng granada at dito na sila napatay.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments