Dalawa patay sa salpukan ng dalawang motorsiklo sa bayan ng Tulunan North Cotabato

Parehong patayi ang dalawang driver ng motorsiklo, ng magsalpukan ang mga ito sa Km 126, La Esperanza, sa bayan ng Tulunan,sa lalawigan ng North Cotabato.
Kinilala ang mga nasawi na sina Dalton James Javier, 18-anyos, estudyante ng University of Southern Mindanao at residente ng Tacurong City at isa pang nasawi si Antonio Tumaob, 61-anyos, residente ng Tibao, sa bayan ng Mlang, North Cotabato.
Kritiksl naman ang misis ni Tumaob na kinilalang si Yolanda Buhayan na ginagamot ngayon sa Sorilla Medical clinic. Ayon kay PSI Michael Elopre, hepe ng Tulunan PNP nangyari ang aksidente alas 4:30 ng madaling araw nitong Biernes.
Minamaneho ni Tumaob ang kanyang kulay asul na XRM 110 (IP8174) buhat sa Mlang papunta ng Tacurong City habang si Javier naman ay binabaybay ang Highway patungo ng Mlang galing sa direksiyong ng Tacurong. At nangyari ang salpukan. Dahil sa lakas ng impact, kapwa nasawi ang dalawang mga driver habang kritikal naman ang misis ni Tumaob.
Ayon sa Dean ng College of Veterinary Medicine ng USM Dr. Emerlie Okit may dala pa umanong manok ang vetmed student para sana sa laboratory nila sa paaralan. Subalit di na ito umabot pa ng buhay ng masangkot sa aksidente.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments