DALAWA, PATAY SA SALPUKAN NG MOTORSIKLO AT VAN SA SAN JACINTO

Dalawang lalaki ang nasawi matapos bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang van sa kahabaan ng provincial road sa Barangay Macayug, San Jacinto, Pangasinan, dakong alas-3 ng madaling-araw, Oktubre 30, 2025.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nagkasalubong sa kalsada ang isang puting van at isang kulay abong motorsiklo na walang plaka, nang biglang pumasok sa linya ng van ang motorsiklo, dahilan ng banggaan.

Tumilapon sa kalsada ang driver at angkas ng motorsiklo na nagtamo ng matinding pinsala at idineklarang dead on arrival sa ospital sa Dagupan City.

Samantala, ligtas naman ang driver ng van ngunit dinala sa Mapandan Community Hospital para sa pagsusuri.
Parehong dinala sa San Jacinto Police Station ang mga sasakyan para sa imbestigasyon.

Facebook Comments