DALAWA, PATAY; TATLO, SUGATAN SA PANANALASA NG BAGYONG EMONG SA LA UNION

Dalawa ang nasawi samantalang tatlo ang nasugatan sa La Union dahil sa pananalasa ng Bagyong Emong, ayon sa ulat ng La Union PDRRMO.

Isa ang nalunod, habang ang isa ay namatay matapos mabagsakan ng puno ang kanilang bahay.

Higit 370,000 katao naman ang naapektuhan sa iba’t ibang bayan ng probinsya kung saan mahigit 8,000 ang nananatili sa evacuation centers, habang nasa 6,000 ang pansamantalang nanunuluyan sa mga kamag-anak o kaibigan.

Samantala, naibalik na ang kuryente sa karamihan ng lugar, ngunit may ilang bahagi pa rin ang patuloy na inaayos.

Umabot sa higit 4,000 ang totally damaged na bahay at higit 33,000 ang may sira.

Naipamahagi na ang unang batch ng relief goods, at kasalukuyang inihahanda ang karagdagang tulong.

Tinatayang higit isang bilyon na ang halaga ng mga nasira sa sektor ng agrikultura at imprastraktura.

Patuloy pa ang assessment sa kabuuang pinsala kasabay ng relief operations at donation drives para sa mga nasalanta. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments