Dalawa sa limang Pinoy, mayroong ka-Valentine – SWS survey

Dalawa sa limang nakakatanda ang mayroong ka-Valentine at planong magpunta sa simbahan.

Sa datos ng Social Weather Survey (SWS), 39% ng adult Filipino ang magdiriwang ng Valentine’s Day, 31% ang undecided at 27% ang nagsabing hindi nila ito ipagdiriwang.

Sa naturang bilang, 45% ang magpupunta sa simbahan; 27% ang magbibigay ng regalo sa mahal nila sa buhay; 25% ang magluluto sa kanilang bahay at 11% ang magpapabatid ng Valentine greetings sa pamamagitan ng online o text message.


Ilan din sa mga magiging aktibidad sa Valentine’s Day ay ang paggawa ng liham o greeting cards; bibisita sa kanilang kasintahan; pupunta sa tourist spots; pananatili sa bahay; at iba pa.

Lumabas din sa survey na 50% ang masaya sa kanilang love life; 31% ang nagsabing sana mas masaya pa at 1% ang walang love life o buhay-pag-ibig.

Isinagawa ang naturang survey noong Nobyembre 21 hanggang 25, 2020 sa 1,500 respondents na may edad 18 pataas.

Facebook Comments