Dalawa sa tatlong napaulat na nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Dante, bineberipika pa ng NDRRMC

78

Bineberipika pa ng National Disaster Risk Reduction and Management Office (NDRRMC) ang pagkasawi ng dalawang indibidwal sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Dante.

Kahapon, iniulat na tatlo na ang nasawi sa gitna ng pananalasa ng bagyo.


Sa ngayon, ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, isa pa lamang ang kumpirmadong nasawi dahil sa bagyo ––– ang 14-anyos na babaeng inanod ng tubig-baha sa South Cotabato.

Nagpapatuloy naman ang search and rescue operation sa nawawala nitong ama.

Habang inaalam pa nila kung talagang nasawi sa kasagsagan ng bagyong Dante ang isang sanggol na umano’y nalibing ng buhay sa landslide sa Davao at isang 71-anyos na lolo na inanod ng baha sa Davao del Sur.

Facebook Comments