Dalawa sa tatlong pulis na sangkot sa pagdukot sa isang e-sabong master agent sa Laguna, sumuko sa PNP

Sumuko na sa awtoridad ang dalawa sa tatlong pulis na sinibak sa serbisyo dahil sa pagkakasangkot sa pagdukot sa isang e-sabong master agent sa Laguna.

Kinilala ang mga suspek na si Police Patrolman Rigel Brosas at Police Staff Sergeant Daryl Paghangaan na sumuko sa Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) Team 4-A.

Ayon kay PNP-IMEG Group Director Police Brigadier General Warren de Leon, nahaharap ang mga suspek sa kasong kidnapping, serious illegal detention, at robbery matapos ang pagdukot sa e-sabong master agent na si Ricardo Lasco.


Si Lasco ay sapilitang kinuha sa kanyang bahay sa Laguna ng mga naturang police officers na nagpanggap na mga NBI agent.

Facebook Comments