Dalawa sa Tatlong Tulak ng Marijuana na Nakipagbuno sa Pulis sa Santiago City, Naaresto na!

Santiago City, Isabela – Naaresto na ang dalawa sa tatlong suspek na tulak ng marijuana matapos makipagbuno sa isang pulis sa Santiago City.

Ayon kay Police Chief Inspector Rolando Gatan, hepe ng Santiago City Police Station 1 na ang dalawang suspek ay sina Daniel Jose Binuya at Sherwin Marina Pulang ng Santiago City.

Aniya kasalukuyan parin na pinag-aaralan ang maaring kaso ng dalawang suspek ngunit maari umanong complex crime ito tulad ng attempted robbery with homicide.


Matatandaan na unang nasawi si Angelo Mangatulao alyas Pogi nang mabaril ito ni PO2 Christian Espiritu dahil sa ginawang pambubugbog sa nasabing alagad ng batas nang siyasatin sila ni Espiritu dahil sa kakaibang galaw ng mga ito sa lugar kamakailan, kung saan nakita ang isang paketeng marijuana sa lugar ng pinangyarihan.

Facebook Comments