Dalawa, sugatan matapos mabangga ng SUV sa Pasay City

Nadala na sa ospital ang rider ng isang ride-hailing motor-taxi at pasahero nito matapos mabangga ng isang SUV sa bahagi ng Baclaran sa Pasay City pasado alas-sais ng umaga.

Ayon sa mga awtoridad, naiulat sa kanila na nagkaroon ng aksidente sa nabanggit na lugar.

At nang kanilang puntahan ay nakahandusay na sa kalsada ang dalawa.

Kwento ng mga saksi sa lugar, sinubukan pa umano tumakas ng suspek pero agad na naharangan ito ng taumbayan.

Nadatnan na naman ng DZXL News Team na duguan ang suspek matapos umanong sumubok na tumakas.

Dagdag pa rito, hindi lang isang motor ang nabangga ng suspek may dalawa pang motor at isang taxi ang nadamay sa aksidente at amoy alak pa raw ito.

Facebook Comments