
Nasa maayos nang kondisyon ang dalawang motoristang nalaglagan ng metal cladding o side panel ng electronic billboard na nakakabit sa isang condominium unit sa Katipunan, Quezon City.
Ayon kay Quezon City Police District (QCPD), nakatutok ang pamunuan ng condo unit sa kalagayan ng dalawang biktima.
Ang dalawang motoristang angkas ng motorsiklo ay nasa kanto dahil sa traffic light.
Mayroon ding napinsalang kotse sa pagbagsak ng side panel ng electronic billboard.
Nakikipag-ugnayan na rin ang QCPD sa kontraktor ng naturang eletronic billboard bilang bahagi ng kanilang isinasagawang imbestigasyon.
Sa ngayon, isinara na sa mga motorista at pedestrian ang service road ng Katipunan Southbound lane mula Xavierville hanggang intersection ng Aurora Avenue.
Ito ay para maiwasang may maaksidente kapag may malaglag pang bahagi ng naturang billboard.









