Dalawang lalaki ang sugatan matapos magbanggaan ang kanilang mga motorsiklo sa National Highway ng Barangay Tambacan, Burgos, noong Linggo ng hapon, Disyembre 21.
Ayon sa paunang imbestigasyon, naganap ang insidente nang umano’y mag-overshoot at pumasok ang isang asul na motorsiklo, na minamaneho ng isang 68-anyos na lalaki, sa linya ng isang pulang motorsiklo na minamaneho ng isang 55-anyos na construction worker na walang lisensya at plaka.
Dahil dito, nagbanggaan ang dalawang motorsiklo na nagresulta sa pagkakasugat ng parehong driver sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.
Kapwa nagtamo rin ng pinsala ang mga motorsiklo na patuloy pang tinataya ang halaga ng mga nasirang bahagi.
Dinala ang mga sasakyan sa Burgos Police Station para sa wastong dokumentasyon at disposisyon.









