
Dalawang lalaki ang nasugatan sa isang vehicular traffic incident na naganap dakong alas-11:30 PM noong Biyernes sa Old De Venecia Road corner bandang Gaudencio Road sa Brgy. Lucao, Dagupan City.
Nasugatan ang driver ng motorsiklo isang 32 anyos na walang lisensya, at ang kanyang backrider na parehong residente ng Manaoag. Sila ay nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agad dinala sa ospital.
Ayon sa imbestigasyon, pa-silangan ang takbo ng isang sasakyan na minamaneho ng isang 41-anyos na negosyante mula Sta. Barbara, samantalang pa-hilaga ang takbo ng motorsiklo.
Nagkasalpukan ang dalawang sasakyan matapos tamaan ng motorsiklo ang kanang bahagi ng pickup, dahilan ng malalaking pagkasira nito sa iba’t ibang bahagi ng sasakyan. Habang ang motorsiklo naman ay napuruhan sa harapan.
Samantala, hindi naman nagtamo ng severe injuries ang driver at pasahero ng pickup.
Sa pagresponde ng CDRRMO, isang itim na sling bag na naiwan sa kanilang ambulansya ang natuklasan kung saan natagpuan sa loob nito ang Cal. .38 revolver na may tatlong bala.
Kinaumagahan ay itinurn-over nila ang bag at ang baril sa mga pulis para sa tamang disposisyon.
Patuloy naman na inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng aksidente, pati na rin kung sino ang nagmamay-ari ng baril. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









