DALAWA SUGATAN SA PAGSALPOK NG MOTORSIKLO SA NAKAPARADANG TRAKTORA SA SANTIAGO, ILOCOS SUR

Isang motorista ang malubhang nasugatan habang bahagyang nasaktan ang kanyang angkas matapos bumangga ang kanilang motorsiklo sa isang nakaparadang traktora sa Provincial Road sa Barangay Sabangan, Santiago, Ilocos Sur kaninang madaling-araw, Nobyembre 20.

Ayon sa angkas, binabagtas nila ang kalsada patungong norte nang biglang lumihis ang minamanehong motorsiklo ng 27-anyos na mangingisda papunta sa kabilang linya, dahilan upang direktang sumalpok sa traktorang nakahinto sa gilid ng kalsada.

Nagtamo ng head at body injuries ang driver, habang minor abrasions naman ang tinamo ng 22-anyos na angkas.

Agad silang isinugod sa Candon General Hospital para sa kinakailangang lunas.

Dinala sa Santiago Police Station ang nasangkot na motorsiklo para sa tamang disposisyon, habang patuloy na iniimbestigahan ang insidente.

Facebook Comments