
Dalawa ang nasugatan sa isang aksidente na kinasangkutan ng isang pampasaherong bus, motorsiklo, at van sa bayan ng Alcala kahapon, Nobyembre 2, 2025.
Batay sa paunang imbestigasyon, magkasunod na bumabagtas sa kalsada patungong kanluran ang tatlong sasakyan.
Nang biglang huminto ang bus na nasa unahan, nabigla ang van na nasa hulihan at aksidenteng nabangga ang motorsiklo na nasa gitna.
Dahil sa lakas ng impact, tumilapon ang motorsiklo at bumangga pa sa likurang bahagi ng bus.
Nasugatan ang drayber ng motorsiklo at ang babaeng sakay nito, na nagtamo ng malubhang pinsala sa ulo. Agad silang isinugod sa ospital.
Wala namang umanong nasaktan sa mga drayber ng bus at van, ngunit nagkaroon ng pinsala ang tatlong sasakyan na kasalukuyang tinataya ng mga awtoridad.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









