Tinupok ng apoy ang isang residential area sa Josefina st., Sampaloc, Maynila kagabi.
Umakyat hanggang ikalawang alarma ang sunog na idineklarang fireout alas 12:49 kaninang madaling araw.
Bukod sa anim na bahay, nadamay din sa sunog ang dalawang sasakyan.
Dalawang residente naman ang nasugatan.
Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang posibleng pinagmulan ng sunog.
Facebook Comments