Dalawa, sugatan sa tama ng ligaw na bala sa Tondo

Manila, Philippines – Dalawang lalaki ang makasunod na tinamaan ng ligaw na bala sa magkahiwalay na lugar sa Tondo, Maynila.

Batay sa report ng MPD, sa Laong Nasa St. Brgy 155, tinamaan sa kanang hita ang 25-anyos na biktimang si Alvin Upani.

Natutulog lamang ang biktima sa kanilang bahay maghahatinggabi kanina nang makarinig ng putok ng baril na sinundan na ng pagdurugo ng kanyang hita.


Mabilis na dinala ang biktima sa Jose Reyes Memorial Medical Center na ngayo’y ligtas na ang kalagayan.

Samantala, sa Gagalangin, Tondo, naglalakad lamang ang biktimang si Reynaldo Renido sa Lopez Boulevard para bumili sa tindahan nang tamaan ito ng ligaw na bala sa katawan kaya’t dinala ito sa Tondo Medical Center.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung sino ang nasa likod ng krimen at kung konektado ang dalawang insidente ng pamamaril.
DZXL558, Mike Goyagoy

Facebook Comments