DALAWA, TIMBOG SA CALASIAO, PANGASINAN DAHIL SA ILEGAL NA PAGSUSUGAL

Dalawang indibidwal ang naaresto ng Calasiao MPS kahapon, November 23,2025 dahil sa paglabag sa PD 1602 o anti-illegal gambling law.

Ayon sa report, dakong 10:14 PM, inaresto ang isang 25-anyos na lalaking residente ng Calasiao, sa bisa ng warrant of arrest (WOA) na may kaukulang P30,000 na piyansa. Habang matapos ang limang minuto inaresto naman ang isang babae na residente rin ng bayan, sa parehong kaso at piyansa.

Ang mga akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng kapulisan habang hinihintay ang karampatang proseso sa korte. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments