DALAWAMPU’T ISANG BARANGAY SA ASINGAN, IDINEKLARANG DRUG-FREE

Dalawampu’t isang barangay sa Asingan ang muling kinilala sa kanilang matagumpay na pagpapanatili ng Drug-Cleared Status sa ilalim ng Regional Oversight Committee for the Barangay Drug Clearing Program.

Sa isinagawang seremonya ng pagkilala, binigyan ng certificates of commendation ang mga indibidwal at grupo na naging mahalaga sa tagumpay na ito.

Pinangunahan ng mga opisyal mula sa PDEA, DILG, PNP, DOH, at iba pang katuwang na ahensya ang pagbibigay-pugay, at ipinaabot ang kanilang papuri sa mga barangay dahil sa kanilang patuloy na pagsisikap na mapanatili ang isang komunidad na walang droga.

Ayon sa mga eksperto, ang Retention of Drug-Cleared Status ay hindi lamang simbolo ng tagumpay sa kampanya kontra droga.

Ito rin ay patunay ng dedikasyon sa kaligtasan ng publiko, mabuting pamamahala, at aktibong pakikilahok ng komunidad, habang nagbubukas ng mas maraming oportunidad para sa mga programa at proyektong pangkaunlaran.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang pagkilala sa Asingan at sa mga barangay nito ay nagpapakita ng patuloy na laban kontra droga, hindi lamang ng pamahalaan kung hindi pati na rin ng komunidad.

Facebook Comments