Matapos maapektuhan dulot ng kasalukuyang pandemya nabigyan ang nasa 25 displaced OFWs mula sa bayan ng Mabini ng tulong pangkabuhayan na handog ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan.
Isinagawa ang naturang pamamahagi ng tulong pangkabuhayan sa mga displaced OFWs kung saan tumanggap ang mga ito ng Php. 5,000 kada benepisyaryo sa ilalim ng programang Tulong Pangkabuhayan sa OFW ng pamahalaan ng Pangasinan.
Ang proyektong ito ng pamahalaan ay parte ng programa ng kasalukuyang administrasyon na Abig Pangasinan na socio-economic recovery ng lalawigan upang tulungan ang Pangasinenseng makapagsimula muli dahil sa COVID-19.
Pinangunahan ang naturang programa ng Provincial Employment Services Office (PESO) KUNG Kasama rin sa benepisyong natanggap ng OFWs ang financial management training na pinangunahan ng Provincial Population, Cooperative and Livelihood Development Office PPCLDO) para gabayan sila na mapalago ang kanilang puhunan.
Samantala, labis labis naman ang pasasalamat ng LGU Mabini sa tulong na ito para sa residente ng bayan.