Dalawamput siyam na instraktura sa Region 3 at NCR, napinsala sa pagtama ng Magnitude 6.1 na lindol

Personal na inispeksyon ni DPWH Sec. Mark Villar ang mga lugar na maluhbang tinamaan ng magnitude 6.1 na lindol sa Pampanga.

Sa interview ng RMN Manila kay Villar, aabot sa 29 instraktura mula sa Region-3 at NCR ang naapektuhan ng malakas na pagyanig.

Kabilang aniya rito ang tumagilid na gusali ng Emilio Aguinaldo College sa Maynila, Clark International Airport at ang gumuhong Chuzon Supermarket sa bayan ng PORAC.


Matapos ang aerial inspeksyon, tinungo ni Villar ang gumuhong Chuzon Supermarket upang personal na alamin ang sitwasyon doon.

Sarado rin aniya ang megadike access road mula Dolores hanggang Calibutbut/Maliwalo sa Bacolor, Pampanga, maging ang Floridablanca Consuelo Bridge.

Hindi rin madaanan ng malalaking sasakyan ang Sasmuan-Lubao Bridge habang nag-collapse naman ang arko sa boundary ng Dinalupihan-Pampanga.

Facebook Comments