Dalawamput tatlong paaralan sa bansa, napinsala ng naganap na lindol sa Luzon at Visayas!

Umabot sa dalawamput tatlong paaralan sa bansa ang napinsala ng naganap na lindol sa Central Luzon at Visayas.

Batay sa datus ng Department of Education, aabot sa labing limang pampublikong paaralan ang naapektuhan ng sa 6.1 magnitude na lindol noong lunes.

Kabilang sa mga nakitaan ng cracks sa mga pader ay ang mataas na paaralang Neptali Gonzales, ilaya barangka integrated High School sa Mandaluyong City.


Kasama din ang Dr. Sixto Antonio Elementary School at nagpayong High School sa lungsod ng Pasig, maging ang cupang Senior High School sa Muntinlupa.

Severe damage naman ang naitala sa San Nicolas Integrated School, Sindalan Elementary School sa San Fernando, Malusac Elementary School, Camias High School at Subic Central Elementary School sa Olongapo City.

Habang aabot naman sa walong paaralan ang napinsala ng 6.5 magnitude na lindol sa Eastern Samar.

Kabilang sa natamong pinsala ng mga paaralan ay crack sa wall, nasirang glass window, crack sa poste, crack sa tiles at kisame.

Ayon kay education undersecretary Annalyn Sevilla, nakikipag-coordinate na sila sa lokal na pamahalaan maging sa mga building officials para masigurong ligtas gamitin ang mga nabanggit na paaralan.

Facebook Comments