Dalawang Abu Sayyaf member, arestado sa Tawi-Tawi

Tawi-Tawi – Arestado ang dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa isinagawang cross border patrol operation ng Joint Task Force (JTF) – Indonesia, Malaysia, at Philippines sa Taganak, Tawi-Tawi.

Isinailalim na sa tactical interrogation ang dalawang ASG na sina Ara Samindi at Omar Harun na alyas Commander Halipa.

Ayon kay Brig. Gen. Custodio Parcon Jr., commander ng JTF Tawi-Tawi, ang grupo ni Halipa ay sangkot sa serye ng kidnapping for ransom sa karagatan ng Pilipinas, Malaysia at Indonesia.


Base sa tala, sina Samindi at Harun ay mga most wanted na sangkot sa seajacking / kidnappings sa karagatan ng Sabah at sila rin ang responsable sa pag-atake sa Vietnam flagged vessel (M/V Giang Hai) noong Pebrero 2017.

Facebook Comments