Marawi City – Lumilipad na ngayon sa Marawi city para sa patuloy na combat operation laban sa Maute Terror Group ang dalawang pinahiram na aircraft ng Australia na AP-3c Orion.
Ito ang kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenza.
Aniya nitong nakalipas na araw ng Biyernes, sinimulan ang pagpapalipad nito sa Marawi City.
Sakay ng dalawang aircraft ang mismong piloto ng royal Australian Air Force at piloto ng Philippine Airforce.
Kasama rin nila ang mga technicians ng eroplano na silang nagbibigay ng impormasyon sa nangyayari sa kanilang operasyon direkta sa AFP General Headquarters at military headquarters sa Zamboanga.
Dagdag pa ni Lorenzana may kakayanan ang dalawang aircraft na ito na magoperate ng 24 oras.
Ang mga aircraft na ito ay pinahiram ng Royal Australian Air Force sa bansa sa loob ng dalawang linggo para tumulong sa operasyon sa Marawi City.