MANILA – Mahigpit na ipapatupad ng Commission on Election (Comelec) ang dalawang araw liquor ban sa halalan.Sa inilabas na resolution 10095, mula May 8 hanggang 9 bawal ang sinumang uminom at magtinda ng alak saan mang panig ng bansa.Maaaring makulong ng hanggang anim na taon ang sinumang mahuhuli at hindi na maaaring humawak ng kahit anong posisyon sa gobyerno.Tanging mga foreigner lamang ang hindi sakop ng liquor ban.Maaari namang mag apply ng exemption ang mga establisimyentong may certification mula Department of Tourism na sila ay tourist-oriented.
Facebook Comments