Nagbigay ng dalawang araw na ‘menstruation privilege’ kada buwan ang lokal na pamahalaan ng La Union sa mga empleyado nito.
Batid daw ng La Union LGU ang nararamdamang sakit at body discomfort ng mga babaeng empleyado tuwing may buwanang dalaw.
Sa ilalim ng Executive Order, maaaring mag-work-from-home ang mga naturang empleyado ng dalawang araw kada buwan.
Ayon kay La Union Information Officer Rowan Joshua Dimaculangan, isa umano ito sa brainchild ng kasalukuyang gobenador na naging kauna-unahang babaeng gobernador ng probinsya.
Sa ngayon, ay ipinatutupad pa lamang ito sa mga tanggapan ng Provincial Local Government ng La Union, at pinapalawig pa ang guidelines.
Facebook Comments