Dalawang araw na national transport holiday, ibinabala kasabay ng jeepney modernization program ng pamahalaan

Manila, Philippines – Nagbanta ang Stop and Go Coalition ng dalawang araw na national transport holiday ngayong Agosto.

Ito’y bilang pagtutol nila sa jeepney modernization program ng pamahalaan.

Giit ng grupo, lalong malulugmok sa kahirapan ang mga driver at operator oras na ipatupad ito.


Anila, malinaw na isang uri ng korapsyon ang naturang programa at lalong magtatas ang pamasahe.

Malinaw rin anila sa batas na ang tinatawag na road wideness ay dapat ipinatutupad sa lahat ng pampasaherong sasakyan.

Facebook Comments