Manila, Philippines – Generally peaceful ang isinagawang dalawang araw na nationwide transport strike mula sa ibat-ibang transport organization.
Ito ang naging pagtaya ng Philippine National Police.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt Dionardo Carlos sa kabila ng kaliwat kanang transport strikes sa mga malalaking syudad sa bansa, mahigpit naman daw itong namonitor ng mga secuity forces sa pakikipagtulungan ng mga itinalagang mga marshalls mula sa mga militanteng grupo.
Aniya nakatulong ang pagsuspende ng klase sa mga pampublikong paaralan at mga governmen offices para mabawasan ang pagka-abala ng mga mananakay o commuters.
Sa huling monitoring ng PNP National Monitoring Center umaabot sa kabuaang 1061 mga drayber o mga raliyista ang nakiisa sa Nationwide Transport Strike.