Manila, Philippines – Dalawang araw na magtitigil pasada sa Metro Manila ang Samahan ng Tsuper at Operator ng Pilipinas Genuine Organization o Stop and Go Transport Coalition.
Sa isang pulong pambalitaan sa QC, itinakda ng grupo ang tigil pasada simula alas sais ng umaga ng Lunes, September 25 hanggang sa kinagabihan ng September 26 ,Martes, ang kanilang tigil pasada bilang pagpapakita ng pagtutol sa jeepney phase out o jeepney modernization program ng gobyerno.
Ayon kay Jun Magno, target nila na 100 percent ng 74,000 na driver nila sa buong Metro Manila ay makibahagi sa tigil pasada.
Partikular na tinututulan ng grupo ang 1.6 million pesos na ipapautang ng gobyerno sa bawat operator para makabili ng jeepneys na papatakbuhin ng elektrisidad . Ang utang ay babayaran ng 800 bawat araw sa loob ng 7 taon. Magiging abonado kasi ng 200 pesos bawat araw ang bawat driver.
Mas gusto ng grupo na isailalim na lamang sa rehabilitasyon ang mga jeepney na ang edad ay 15 pataas sa halip na magkautang
Humihingi naman ng pang unawa ang grupo sa publiko sa perwisyo na maaring idulot ng tigil pasada.