Naging matagumpay ang isinagawang dalawang araw na na pagsasanay para sa programang ´Training of Trainers for Barangay Drug Clearing Program (BDCP) Implementers sa lalawigan ng Pangasinan katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency Region 1.
Layunin ng aktibidad na ito ay upang mas pahusayin pa ang kakayahan ng mga Local Government Units sa pagpapatupad ng BDCP sa kani-kanilang mga lugar kung saan kabilang na tinalakay sa sesyon ang ukol sa Advocacy at ang Drug-Free Workplace Policy ng BDCP.
Ayon kay PDEA Regional Director Joel B. Plaza, ang aktibidad ay mahalaga upang mabigyan ng tugong problema sa usaping droga kung saan aniya pa, kailangan ng whole of nation approach upang tuluyan na itong mapuksa at mapigilan.
Binigyang-diin naman ng kinatawan ng Gobernador ng Pangasinan na si Special Assistant to the Governor Von Mark Mendoza, ang kagustuhan ng gobernadora na maging drug-free province ang Pangasinan.
Samantala, batay sa Regional BDCP Accomplishment Report, noong Mayo 28 ngayong taon, ang Pangasinan ay mayroong 92 “drug-free” barangays at 1,123 “drug-cleared” barangays o 89.08 percent, habang may 149 na natitirang drug-affected barangays o 10.91 percent.
Ang barangay o barangay na walang droga ay tumutukoy sa hindi apektadong barangay na nasuri at nakumpirma ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing (ROCBDC), ayon sa isang memorandum ng Department of the Interior and Local Government. |ifmnews
Facebook Comments