Dalawang armadong indibidwal, nasawi matapos maka-engkwentro ng militar sa Zamboanga City

Patay ang dalawang armadong indibidwal makaraang makailang ulit na maka engkwentro ng militar sa Barangay Lagandang, Isulan, Sultan Kudarat kamakalawa.

Ayon kay Lt. Col. Tristan Rey Vallescas, Commander ng 7th Infantry Battalion (7IB) nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa rido o clan war sa nasabing lugar dahilan para ma-displaced ang ilang pamilya.

Agad nag-deploy ang tropa ng pamahalaan ng Law Enforcement Operation team kung saan pagdating sa area, agad nagpaputok ang grupo ng mga armadong kalalakihan.
Gumanti naman ng putok ang militar na nauwi sa pagkasugat ng isang sundalo na ngayon ay nasa stable ng kondisyon.


Nakumpiska sa crime scene ang ilang matataas na kalibre ng baril tulad ng 60mm Mortar; M60 General-Purpose Machine Gun; M16 gayundin ng Rocket-propelled Grenade; 14 RDS RPG Ammo Sidik Bomb; Commercial radio; assorted ID; at ATM card.

Sa ngayon, nasa pangangalaga na ng 7IB ang mga nakumpiskang war materiels para sa safekeeping and proper disposition.

Facebook Comments