Dalawang artista, nasa watchlist ng PDEA

May dalawang artista na iniimbestigahan ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

 

Nakita ang pangalan nila sa cellphone ng napatay na big time party drug dealer na si Steven Pasion.

 

Ayon kay PDEA Special Enforcement Services Acting Director Levi Ortiz – nag-order din ang dalawang artista ng 200 piraso ng ecstacy sa drug dealer.


 

Madalas umanong lumalabas sa telebisyon ang dalawang artista.

 

Pero hindi muna ito pinangalanan ng PDEA dahil sa nagpapatuloy na imbestigasyon.

 

Maliban sa mga artista, kliyente rin ni pasion ang ilang mga estudyante at young professional.

Facebook Comments