Dalawang babae, arestado sa iligal na droga sa Tondo, Maynila

Hindi na nakaporma ang dalawang babae matapos masakote sa ikinasang drug buy-bust operation sa Brgy. 64, Zone 6, Tondo, Maynila.

Nakilala ang mga nadakip na sina Julie Pineda, 56-anyos, walang trabaho at Jessica Salonoy, 36-anyos, isang tricycle driver.

Nabatid na nakabili ang isang poseur buyer ng isang medium sachet ng shabu sa halagang P79,000 kung saan nagkita sila sa tapat ng isang convenience store sa kanto ng Moriones at N. Zamora Street.


Matapos nito, agad na pinalibutan ng mga awtoridad ang dalawa kaya’t hindi na nakatakas pa habang sakay ng kanilang motorsiklo.

Sa kabuuan, nakumpiska sa dalawang babae ang tatlong medium sachet ng shabu na may bigat na higit 48 gramo at nagkakahalaga ng higit P300,000.

Nananatiling tahimik ang mga naarestong suspek habang patuloy na inaalam ng mga awtoridad kung sino ang source nila ng iligal na droga.

Facebook Comments