Dalawang babae kabilang ang isang senior citizen, naaresto sa drug buy bust operation ng kapulisan sa Cagayan de Oro

50

Dalawang babae ang naaresto ng kapulisan sa isinagawang joint drug buy bust operation kagabi.
Kabilang sa naaresto ang isang senior citizen na si Yolanda Mendoza, 68 anyos at Rubylyn Dumahil, 37 anyos na taga Purok 3, Barangay Puerto dito sa syudad ng Cagayan de Oro.
Nakuha mula sa mga suspek ang dalawang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit anim na libo at ang ang apat na raang buy bust money.
Naaresto ang dalawang babae sa joint operation ng Puerto Police Station, Regional Drug Enforcement Unit at PDEA Region 10.
-o0o-
By: Kasamang Annaliza A. Reyes

Facebook Comments

From Advertisers