Dalawang babae na nagtitinda ng overpriced na face mask at alcohol, natiklo sa Las Piñas

Inaresto ng mga tauhan ng Southern Police District – Las Pinas City Police Station ang dalawang babae dahil sa pagbebenta ng overpriced na face mask at alcohol.

Nakilala ang dalawa na sina Jovy Balo, 27-anyos at Mary Antonette Arce, 37-anyos na parehong sasampahan ng kasong paglabag sa article 151 ng revised penal code at proclamation 922 na may kaugnayan sa consumer act.

Ang dalawa ay nahuli sa pamamagitan ng entrapment operations na isinagawa sa bahagi ng Narra St., Manila Doctors Village, Brgy. Almanza Uno, Las Piñas City.


Nakumpiska kina Balo at Arce ang limang kahon ng disposable surgical face mask, 16 na casino ethyl alcohol (500 ml) at casino ethyl alcohol (150 ml).

Facebook Comments