Dalawang babae na naipit sa nayuping kotseng mirage, naialis na sa C5 flyover papuntang Libis, Ortigas

363

Alas-5:45 ay naalis na ang dalawang babae na naipit sa kotse na mirage sa C5 flyover papuntang Libis, Ortigas matapos na araruhin ng truck sa Ortigas Northbound sa Fellowship Church sa pagitan Tiendasitas at Libis.

Apat ang sakay ng kotse na Mirage, ang dalawang lalaki na sakay nito ay naalis na at isinugod sa pagamutan.


Natagalan ang pag-extricate sa naiwang dalawang babae dahil inantay pa ang doctor na magdedeklarang wala nang buhay ang mga ito.

Truck ang nakabangga na tinakbuhan ang kaniyang nagawang krimen.

Sisilipin ngayon ang CCTV sa lugar upang makilala ang nakabangga.

Total wrecked ang kotse dahil sa sobrang yupi.



Facebook Comments