Dalawang babae na pusher, arestado sabuy-bust operation

19

Kalibo, Aklan – Arestado ng mga otoridad ang dalawang babaeng pusher sa ikinasang buy-bust operation sa Roxas Avenue Extension, Brgy. Andagao, Kalibo, Aklan.
Ang mga suspek ay kinilalang sina Dahlia Flor Adrias, 39-anyos tubong Cogon, Sigma, Capiz at Renalyn Dela Cruz na taga Andagao.
Inaresto ang dalawa ng mga miyembro ng Kalibo PNP at Philippine Drug Enforcement Unit (PDEA) Aklan matapos maaktuhang nagbebenta ng isang sachet ng shabu kapalit ng P 8,000.00 buy-bust money sa isang poseur buyer.
Nakuha rin sa dalawa ang 8 pang sachet ng shabu mga drug paraphernalia at cellphone.
Sa ngayon ay nakakulong ang dalawa sa lock up cell ng Kalibo PNP at mahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Facebook Comments