Dalawang Babae na Wanted sa Batas, Arestado!

*ISABELA- *Arestado ang dalawang babae na wanted sa batas matapos isilbi ang kanilang mandamiento de aresto sa magkahiwalay na lugar dito sa Lalawigan ng Isabela.

Dinakip ng mga kasapi ng Ilagan City Police Station si Bernadeth Malagga, 39 anyos, walang asawa, residente ng Villa Margarita, Brgy. Bliss Village, City of Ilagan, Isabela sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Rodolfo B Dizon ng 2nd Judicial Region, RTC Branch 18 City of Ilagan, Isabela dahil sa kasong paglabag sa RA 7610 o Special Protection of Children Against child Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Dinala na sa Ilagan City Police Station ang akusado at pansamantala itong makakalaya kung makakapag piyansa ng halagang P80,000.00.


Samantala, nahuli rin ng mga miyembro ng Cabagan Police Station si Rowena Ramos, 48 anyos, may-asawa, residente ng Brgy. Casibarag Norte, Cabagan, Isabela dahil sa kaso nitong Attempted Homicide.

Ito ay sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Rodolfo Dizon ng RTC, Branch 18, Ilagan City, Isabela.

Pansamantalang makakalaya si Ramos kung makakapagpiyansa ng halagang P80,000.00.

Facebook Comments