Dalawang babae, sugatan sa salpukan ng dalawang AUV sa QC

Manila, Philippines – Sugatang isinugod sa Saint LukesMedical Center sa Quezon City ang babaeng sakay ng Mitsubishi Strada matapossalpukin ng isang AUV sa kanto ng Roces Ave at Scout Tobias Brgy Obrero QC.
  Bumaliktad ang Estrada at nagtamo ng sugat sa ibat-ibangbahagi ng katawan ang biktimang si Mrs. Anne Pamintuan.
  Ayon kay Brgy. Obrero Executive Officer Rogelio Sule,”lasing” ang driver ng Toyota Innova na si Christian Quicho athindi  umano ito huminto sa kanto kungsaan bumabaybay ang Mitsubishi Strada na minamaneho ni Timothy Pamintuan kasamaang misis at isa pa.
  Pero ayon kay Quicho, hindi siya lasing at galing umanosiya sa trabaho pauwi na ng Brgy. Laging Handa kasama ang dalawang iba pa nangmangyari ang aksidente.
  Una munang sumalpok sa Center Island ang pick-up naumikut-ikot pa ng ilang beses bago bumaliktad sa gitna ng Roces Avenue QuezonCity.

Facebook Comments