Dalawang babaeng hinihinalang tulak ng iligal na droga, arestado sa Quezon City

Quezon City, Philippines – Arestado ng mga operatiba ng QCPD Station 7 ang dalawang babaeng hinihinalang tulak sa ilegal na droga matapos magsagawa ng buy bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Team sa Quezon City.

Ayon kay Station 7 Commander P/ Supt Luis Benjie Tremor matapos ikasa ang buy-bust operation sa loob ng isang sikat na fastfood chains sa Kalayaan Avenue kanto V. Luna Quezon City ay agad inaresto ang dalawang babae.

Sabi ni P/Senior Inspector Ramon Aquiatan, Chief ng Station Drug Enforcement Team ng QCPD Station 7, isang bulto na hinihinalang high grade na shabu na tumitimbang na halos 50 gramo ang kanilang nasamsam sa mga suspek na nagkakahalaga ng halos isang daang libong piso.ang nakumpiska mula kina Margie Daria 48 anyos residente ng Roxas Street Brgy. Central Qc at Francia Padayao 59 anyos residente ng Lagon Street Brgy. Central Quezon City.


Paglabag sa kasong Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isasampa kina Daria at Padayao.
DZXL558

Facebook Comments