Dalawang Babaeng may Kasong Pagnanakaw, Arestado!

Santiago City, Isabela- Nadakip na ng mga otoridad ang dalawang babaeng may
kinakaharap na kasong Pagnanakaw sa lungsod ng Santiago.

Ang mga nadakip ay kinilalang sina Mary Jane Gomez, 38 anyos, walang
asawa’t trabaho, residente ng Centro West Santiago City at Cresencia
Martin, 30 anyos, walang asawa’t trabaho at residente ng San Jose, Santiago
City, Isabela.

Nadakip ang mga suspek sa isinagawang Warrant of Arrest ng PNP Station 2
Santiago City, CIB at SCPO mula sa inihaing mandamyento de aresto ng
Regional Trial Court, Second Judicial Region Branch 36 Santiago City.


Pansamantalang makakalaya sina Gomez at Martin kung makakapaglagak ng
piyansang animnapung libong piso (60,000.00).

Pablito Hoggang, Jose Cabaddu, Rafael Cabonitalla, Sasntiago City, Isablea,
Luzon, RMN Cauayan, DWKD985Cauayan

Facebook Comments