Dalawang babaeng NPA, sumuko sa militar sa Janiuay, Iloilo

80

Kusang loob na sumuko sa tropa ng militar ang dalawang babaeng miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Janiuay, Iloilo kamakalawa.

Ayon kay 3rd Infantry Division Spokesperson Major Cenon Pancito III, ang dalawang sumukong babaeng rebelde ay kinilala sa mga pangalang “JL” at “Alexa” na mga miyembro ng Baloy Platoon,‭ ‬Central‭ ‬Front,‭ Komiteng-Rehiyon Panay.

Inamin ng dalawa sa militar na bago sila sumuko ay kasama sila sa mga nakasagupa ng Army 12th Infantry Batallion nitong mga nakalipas na mga engkwentro sa Janiuay, Iloilo.

Sumuko ang dalawa sa tulong ng mga barangay official kung saan sinamahan sila 12th Infantry Batallion headquarters.

Tiniyak naman ni Brigadier‭ ‬General‭ Marion‭ Sison‭ Commander‭ ng ‬301st‭ Infantry‭ Brigade na hindi sila titigil sa kanilang combat operation para mas ma-pressure ang mga rebelde sa kanilang area of responsibility na sumuko na lamang.

Facebook Comments