Dalawang bagong ambassadors mula US at Thailand, nakatakdang i- welcome ni Pangulong Bongbong Marcos ngayong umaga sa Malacañang

Katulad ng dati ay maagang magsisimula ang aktibidad ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Sa schedule na aktibidad ni Pangulong Bongbong Marcos ngayong araw, dalawang bagong ambassadors mula sa ibang bansa na magsisimula ng kanilang tour of duty sa Pilipinas at nakatakda niya itong harapin sa Malacañang.

Isa rito ay si Ambassador Designate Extraordinary Plenipotentiary Tull Traisorat mula sa Kingdom of Thailand.


Nakatakda ring i-welcome ng pangulo si Marykay Loss Carlson, Ambassador Designate Extraordinary Plenipotentiary ng US.

Si Carlson ay nakapagsilbi din bilang Deputy Chief of Mission sa US Embassy sa Buenos Aires, Argentina.

Kasabay nito’y inaasahang ipe-presenta din ng dalawang bagong ambassadors ang kanilang credentials kay Pangulong Marcos.

Facebook Comments