Dalawang bagong batas, magpapalakas sa transparency sa gobyerno at magbibigay proteksyon sa mga Pilipino laban sa mga financial frauds

Tiwala si Senate President Chiz Escudero na mas mapapalakas ang transparency sa gobyerno at pagbibigay proteksyon sa mga Pilipino laban sa financial fraud sa pagsasabatas ng dalawang mahahalagang batas na New Government Procurement Act (NGPA) at Anti-Financial Accounts Scamming Act (AFASA).

Ayon kay Escudero, ang paglagda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa mga nabanggit na batas ay isang mahalagang hakbang tungo sa layunin ng higit na transparency, pananagutan at proteksyon sa mga mamamayan laban sa financial scams.

Ang mga batas aniyang ito ay makapagbibigay ng malakas na framework para sa ethical na pamamahala at kaligtasan ng publiko laban sa fraudulent activities.


Maaasahan aniya ng taumbayan na sa mga batas ay mas maging matatag at mas mapagkakatiwalaan ang sistema sa gobyerno.

Naniniwala naman si Senate Majority Leader Francis Tolentino na ang mas pinadali at mas transparent na procurement process ay nangangahulugan ng mas mabilis at higit na pagiging epektibo sa paghahatid ng government services.

Dagdag pa ni Tolentino, mangangahulugan din ito ng kawalan ng pagkakataon para makagawa ng pandarambong at katiwalian sa pamahalaan.

Facebook Comments