Dalawang bagong COVID-19 isolation facilities sa Pangasinan, tapos na

Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang conversion ng dalawang gusali sa pagiging quarantine facilities sa Burgos at Sta. Barbara sa Pangasinan.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, ang COVID-19 center facility sa Burgos ay mayroong 25 bed capacity, isang nurse station habang may 40 bed capacity at isa ring nurse station ang isa pang pasilidad sa Sta. Barbara.

Ang ginawang isolation facilities sa lalawigan ay nagkakahakaga ng P2.35 million.


Tiniyak ni Villar na magpapatuloy ang DPWH sa pagtatayo at pag-convert ng existing government buildings sa buong bansa upang matugunan ang pangangailangan ng isolation facilities habang nilalabanan ang pandemya.

Ang mga ginawang pasilidad sa Pangasinan ay dating reformation center sa munisipalidad ng Burgos habang ang isa naman ay Office of the Provincial Agriculturist Building.

Facebook Comments