Dalawang bagong dating na aircraft ng Philippine Navy, isasabak din sa pagpapatrolya sa Benham Rise

Manila, Philippines – Isasabak rin sa pagpapatrolya sa West Philippine Sea at Benham Rise ang dalawang nirentahang segunda manong Beechcraft TC-90 training aircraft ng Philippine Navy.

 

Ito ang kinumpirma ni AFP Chief of Staff General Eduardo Año.

 

Kasunod ito nang pormal na pagtanggap ng Philippine  Navy ngayong araw ng mga bagong dating na Beechcraft TC-90 training aircraft mula kay Japan’s State Minister, Defense Kenji Wakamiya.

 

Ayon kay Año na maliban sa West Philippine Sea at Benham Rise ay gagamitin din daw nila sa iba pang panig ng bansa ang dalawang aircraft depende aniya kung saan ito kailangang kailangan.

 

Pero sa ngayon wala pang direktiba sa AFP kung dapat na bang i-deploy sa Benham Rise at West Philippine Sea ang dalawang bagong dating na aircraft ng Philippine Navy.

 

Sa ngayon tanging ang BRP Ramon Alcaraz pa lamang ang kinumpirma ng AFP na kasalukuyan na ngayong nagpapatrolya sa Benham Rise maliban sa regular na pagpapatrolya nila sa karagatang sakop ng Northern Luzon.

 

Ginawa ng AFP ang pagpapatrolya sa Benham Rise matapos na mamataan ang survey ship ng China sa lugar.


Facebook Comments