Dalawang bagong gun boats ng Philippine Navy kinomisyon sa kanilang anibersaryo; PBBM, panauhing pandangal

Dalawang bagong Israeli-made fast attack interdiction attack ang kinomisyon sa Philippine Navy.

Ginawa ang commissioning kasabay ng selebrasyon ng ika-125 anibersaryo ng Philippine Navy ngayong araw sa Philippine Navy Headquarters sa Roxas Boulevard sa Manila.

Mismong sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Andres Centino ang naging saksi sa commissioning.


Ang dalawang bagong barko ay magsisilbing ikatlo at ikaapat na components ng Acero-class Patrol Gunboats ng Littoral Combat Force ng Philippine Navy.

Pinangalanan ito na BRP Gener Tinangag o PG903 at BRP Domingo Deluana (PG905).

Ayon sa Philippine Navy, kinuha ang pangalan na BRP Gener Tinangag kay Corporal Gener Tinangag habang ang BRO Domingo Deluana ay ipinangalan kay Sergeant Domingo Deluana na mga Philippine Marine Heroes at Medal for Valor awardees.

Ang dalawa ay nagpakita ng katapangan at sakripisyo sa pagseserbisyo.

Si Tinangag ay nasawi habang nakikipaglaban sa teroristang Maute sa Marawi siege noong 2017.

Ginawaran naman si Deluana ng Medal for Valor matapos iligtas ang mga kasamahan mula sa pag-atake ng mga kalaban sa Poblacion Matanog, Maguindanao noong 2000.

Gagamitin ang dalawang barko sa vital choke points, major sea lines of communication, at littoral domains ng bansa.

Facebook Comments