Dalawang bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa main office ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ngayong araw.
Dahil dito, umakyat na sa 23 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa PCOO at mga attached agencies nito.
Sa nasabing bilang, 15 ang naitala sa PCOO main office; isa sa APO Production Unit; dalawa sa Philippine Information Agency (PIA); isa sa People’s Television Network at Dalawa sa Radio Television Malacañang (RTVM).
Dalawa naman ang nasawi mula sa PCOO main office at sa APO Production Unit.
Ayon kay Andanar, pinagana na ng PCOO ang COVID Warrior Mechanism nito kung saan may mga taong nakatalaga para magsagawa ng contact tracing at makipag-ugnayan sa mga ospital.
Isasalang din sa swab test ang lahat ng kanilang empleyado kabilang ang mga nakatalaga sa production tulad niya na araw-araw pumapasok sa trabaho.