Pinasinayaan ang dalawang Balay Silangan Reformation Center sa mga bayan ng Carasi, Ilocos Norte at San Vicente, Ilocos Sur bilang bahagi ng patuloy na programa laban sa ilegal na droga at sa rehabilitasyon ng mga apektadong indibidwal.
Isinagawa ang inagurasyon at pagbabasbas ng mga pasilidad sa pangunguna ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office I, katuwang ang mga lokal na pamahalaan at iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Layunin ng pagtatatag ng mga reformation center na palakasin ang mga programang pang-rehabilitasyon at muling pagsasama sa lipunan ng mga dating nalulong sa droga.
Ayon sa PDEA Region 1, pinalalakas ng mga bagong pasilidad ang pagsisikap na mapanatili ang pagiging drug-cleared ng mga nasabing bayan at suportahan ang pambansang kampanya kontra ilegal na droga.








