Dalawang bagong tren ng PNR, handa nang umarangkada

317

Handa nang umarangkada ang dalawang bagong tren sa linya ng Philippine National Railways (PNR) matapos makumpleto ang deployment nito sa PNR Depot sa Maynila ngayong araw.

Karagdagang ginhawa sa mga public commuter ang hatid ng dalawang bagong tren na inihanda sa depot o himpilan ng PNR sa Tutuban, Maynila ngayong araw.


Inangkat pa mula sa Indonesia ang walong 8100 series ng Diesel Multiple Units o DMU rail cars o bagon na binuo sa dalawang train set na may tig-apat na bagon.

Fully air conditioned, maliwanag at may mga security feature ang loob ng mga tren gaya ng pagkakaroon ng CCTV, safety signages at iba pa.

Bawat tren ay kayang makapagsakay ng isang libong pasahero kada byahe sa pagitan ng Tutuban at Alabang Station.

Bahagi ang proyekto na ito ng 2018 train procurement ng PNR na layong maparami ang scheduled na byahe at makapag-serbisyo sa mas maraming pasahero.

Inaasahan na magsisimulang bumyahe ang bagong tren sa Martes bagaman sasailalim muna ito sa validation test sa loob ng unang 150 hours na byahe nito na tinatayang aabot ng sampung araw.




Kinumpirma din ni Junn Magno, General Manager ng PNR na makasasakay ng libre sa anumang ruta ng dalawang tren habang isinasagawa ang validation test.

Bukod dito ay nakatakdang madagdagan pa ang bilang ng mga tren ng dalawa pang DMU o tren sa kalagitnaan ng taon.

Facebook Comments