Dalawang bagong vote transmission measures sa Halalan 2022, ipapatupad ng COMELEC

Magpapatupad ang Commission on Elections (COMELEC) ng dalawang bagong transmission measures para ipatupad ang transparency sa 2022 national at local elections.

Ayon kay COMELEC Commissioner Marlon Casquejo, ito ang unang beses na gagamit ang mga miyembro ng electoral board ng kanilang digital signature sa proseso ng vote transmission.

Layunin nitong matiyak na ang mga itina-transmit mula sa vote counting machines ay mga election returns na ipapadala sa canvassing center.


Ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ay mayroong resources para sa nasabing automation.

Bukod dito, nagdesisyon din ang poll body na ilalabas ang vote receipts pagkatapos ihulog ng botante ito sa balota.

Ita-transmit din ang voter receipts sa transparency server para tulungan ang election watchdogs at ang media na bantayan ang election.

Facebook Comments